got this one from a blog entry..kakatuwa, so i post it! though it was actually referring to the gay community, feeling ko applicable sya to all girls..may it be the 'real' girls or the girls-at-heart!
"’Pag direktor ka, iniisip ng mga tao sa
production, me sagot ka sa lahat ng tanong
nila. Iko-consult sa iyo mula make-up ng
artista, hanggang sa kulay ng kurtina sa set,
hanggang sa kung anong oras mo gustong magpa
-lunch at dinner break.
"Dati, nung nagsisimula ako, nagpa-panic ako
tuwing me lalapit sa akin at magtatanong.
Kasi sa totoo lang, karamihan sa mga
direktor, nagdudunung-dunungan din lang.
"Karamihan, insecure. At kasama na ako dun.
Pero pagtagal-tagal, nasanay na rin ako.
Dinadaan ko na lang sa attitude.
"Last week, may lumapit na PA (production
assistant) sa akin sa shoot. As usual, me
tanong. Paano daw ba mag-cope kapag
heartbroken ang isang tao?
"Siyempre natigilan ako. Inisip ko muna kung
sakop pa ‘yun ng trabaho ko bilang direktor.
Kung nagkataong mali ang gising ko, baka
natarayan ko siya at inabutan ng blade. Eto
ang sagot, maglaslas ka.
"Pero dahil batang baklita ang PA ko, na-feel
ko ang pain niya. Parang ako nung dalaginding
ako. At sa experience ko, wala nang le-level
pa sa kalbaryo ng isang baklang sawi sa pag-
ibig.
"Eto ang tandaan, oras na ikaw ay
nagdadalamhati: hindi masama ang umiyak.
Siguraduhin lang na maganda ka pa rin. Asan
na lang ang hustisya kung depressed ka na
nga, mukha ka pang kasuklam-suklam?
"May isa akong kaibigan, nung maghiwalay sila
ng partner niya, umiiyak lang siya kapag nasa
harap ng salamin.
"That way, nababantayan niya raw ang hitsura
niya. Sa kababantay niya, na-perfect niya ang
art ng pag-iyak na isang luha lang ang
pumapatak.
"In fairness talo pa niya si Claudine
Barretto ‘pag nagmo-moment. Me angking
sweetness pa rin kahit bitter. ‘Yun ang dapat
nating i-aspire, mga kapatid.
"Iwasang i-channel ang poot ni Celia
Rodriguez,tuwing maiisip ang ex. ‘Wag nang
sayangin ang oras sa paghahanap ng hitman.
"Remember, walang kontrabidang nagwawagi. Sa
halip na maghiganti, maging graciosa. Kahit
ikaw ang niloko, magpasalamat na lang na
tapos na ang lahat.
"Pero ‘wag ding tanga. ‘Wag nang pangarapin
na magiging friends kayo ever. Iwanan na sa
kangkungan ang mga taong nanakit sa’yo.
Unless mahilig ka sa kangkong.
"Puwedeng makipag-date. Puwedeng makipag-sex.
Malaking tulong ‘yan sa self-esteem. Pero
‘wag na ‘wag n’yong tutularan ang isang
kakilala ko.
"Tuwing me matatapos na relasyon, naghahanap
agad ng kapalit. Itago natin siya sa nick na
Lookingforaseriousrelationship.
"In fact isa siyang alamat sa bi-manila sa
dami ng nabibingwit niyang jowa sa pagcha-
chat. Sa limang nakarelasyon niya, tatlo dun
suicidal, yung isa muntik nang sinunog yung
condo niya at yung pinakahuli pinagdududahan
niya hanggang ngayon na kinukulam siya dahil
laging sira ang tiyan niya.
"Moral lesson: I-enjoy muna ang pagiging
single. Siyempre hindi madali sa simula. Sa
gabi, ‘pag wala ka nang amigang makausap,
mag-isa kang hihikbi-hikbi sa pillow.
"At kung gaya ka ng best friend ko, malungkot
na nga makikinig pa ng Bluer than blue at
Tears in heaven, at may-I-sing pa ang bakla
habang nakatanaw sa window, tapos maaawa sa
sarili. OK lang ‘yan.
"Walang taong baduy sa nagdadalamhating puso.
Siguraduhin mo lang na ‘di ka napapanood ng
kapitbahay mo, dahil baka tuluyan kang
maglaslas sa sobrang kahihiyan.
"And finally, reinvent yourself. Parang si
Madonna. O kung masyadong mataas para sa’yo
si Madonna, andiyan naman si Juday, in
fairnez glamorosa na ang ate n’yo. Salamat sa
Fitrum.
"Pag-aralan kung paano nila ni-repackage ang
sarili. Baka puwede mong i-apply sa buhay mo?
Hindi kailangan si Belo at Calayan. Walang
masama sa pagpapalagay ng puwet at pagpapa-
lipo, pero mas maganda kung magpapaka-career
woman ka muna.
"Kung wala kang career, puwes maghanap ka.
Wala sa bokabularyo ng mga bakla ang
katamaran. Magpaka-busy sa work. Kahit ‘di mo
work, angkinin mo. Siguraduhin mo lang na
wala kang maaapakan sa pangangarir mo ng
trabaho ng iba.
"Maging competitive. Magkamal ng yaman. At
‘pag nasa tugatog ka na ng tagumpay, darating
ang araw at magkikita uli kayo ng ex mo. Sa
araw na yun, matipid kang ngingiti (yung
ngiting walang kurap para mas may impact),
saka magbibitiw ng one liner: well, fancy
meeting you here stranger (dapat ma-carry mo
ang line na ‘to bakla, walang buckle!) sabay
flip ng hair at walk away. ‘Yun ang best
revenge, ate.
Subscribe to:
Post Comments
(
Atom
)
0 comments:
Post a Comment