***a piece I got from peyups.com…a nice read…simple but nice..typical” bestfriend fell inlove” but this one is nicely written…I commend the author…nice one!
Parang naiintindihan ko na.
O ito lang ang gusto kong isipin.
Ayaw mo kong masaktan. Ayaw mong makita akong malungkot. Pero ayaw mo rin sa ‘kin. O sige, correction... hindi mo kayang maging kung anong gusto kong maging ka sa buhay ko. Quote na lang kaya kita? Sorry, Jeng, hindi ko kayang maging ganoon sa’ yo.
Ikaw naman kasi. Bakit mo pa ba kailangang sabihing gusto mong isauli 'yung sulat na binigay ko sa ‘yo noong umamin ako? Bakit mo pa sinabing nalulungkot ka tuwing babasahin mo yon? Bakit mo pa sinabing naaawa ka sa ‘kin?
Ako naman kasi. Bakit ko pa kailangang i-probe kung bakit ka naaawa sa kin? Bakit ba pa kita binigyan ng sulat na magpapalungkot sa ‘yo eh ayaw ko din namang nakikitang malungkot ka. Bakit ko ba ‘to ginawa sa friendship natin? Bat ba kasi ang hirap-hirap na hindi umasa?
Ikaw kasi ulit eh. Nung sinabi ko sa ‘yo na nagkakaganito na ‘ko, na may symptoms na ko kaya lumayo ka na, ayaw mo namang lumayo. 'Yan tuloy, yung ideya na kahit na alam mo na, nakikipag-close ka pa din sa ‘kin, led me on. Masama nga raw mag-expect pero ang hirap hindi eh. Paano ba gawin yung wag isiping baka may nararamdaman din sa ‘yo ang isang taong lapit pa rin nang lapit kahit alam na niya kung anong nangyayari sa ‘yo tuwing andyan siya?
O sige. Ako kasi ulit. Hindi pa ‘ko nasanay. Ilang beses ko ba kailangang dumaan sa ganito? I mean, alam mo yung mga nakaraan ko. Kaya nga ang sagot mo kung bakit ka naaawa sa ‘kin eh dahil pagkatapos nung mga yon, hindi mo inisip na ikaw din pala magagawa mo. Na paiyakin ako. Pero hindi mo gusto. Alam ko yon. Alam ko mahal mo ‘ko. Hindi nga lang sa paraang gusto ko.
Natatandaan mo pa ba nung iniyakan mo pa yung kaibigan ko? Sabi ko sa ‘yo, you don’t always get what you want but you’ll definitely get what you deserve. Nakakainis, ipapayo ko yun sa sarili ko. For the nth time. Pero di ba sasaya din ako? Hindi pala. Sasaya din ako! Hindi nga lang siguro sa iyo, pero I’ll get what I deserve. Hindi naman ako masamang tao kaya siguro may magandang naghihintay para sa akin.
Tama. Ayaw mo kong masaktan. Ayaw mo kong malungkot. Pero hindi mo kayang maging kung anong gusto kong maging ka sa buhay ko. Alam mong nasasaktan ako ngayon pero alam mong mas mabuti ‘to kesa sumulong tayo sa lebel na hindi para sa ‘tin kung saan baka mas lalo pa tayong magkasakitan.
So parang naiintindihan ko na nga. Hindi mo kasalanan. Hindi ko kasalanan. Walang may kasalanan. Lesson ‘to. Experience. I’m just glad I’m going through this with you.
Okay lang naman siguro kung medyo weird ako for a while ‘no? Ayoko pa ring iwanan yung pagkakaibigan natin. It’s the best gift you’ve ever given me. And if only for that, I’d be honored to go back to being your old normal friend.
So dyan ka lang. Babalik din ako.
At gusto kong isipin: Naiintindihan mo din..
Love random ReigningStill
0 comments:
Post a Comment