The Crime Scene

(Originally posted on Blogdrive dd Thursday, July 05, 2007)

I am a witness of a crime that took place in broad daylight.
I wrote this ages ago. And it's stuck on my desktop for so long, I got the chance to read it and I thought - this is something I should put on my blog. ‘Coz this is a reminder for me. For all of us.

Sa gitna ng masikip na kalsada ng tondo.

Sa harap ng maraming tao.

Sa pagitan ng mga jip at mga tricycle.

Habang may gun ban na pinapatupad sa buong Pilipinas.

Habang ang mga mukha ng mga gagong kandidato na nakapaskil sa bawat pader ay nakangiti at nanghihingi ng boto.

Bang!
Oo. Baril. Baril nga ung nakita kong hawak nung mama habang nagpupumilit syang pumasok sa isang puting kotse. Sabay ng pag-arangkada ng jip na sinasakyan ko ay ang tunog ng binasag na windshield at putok ng baril. Napapikit ako. Napakapit sa katabi ko. Ni hindi ko na nagawang lumingon o sumulyap o tingnan kung may timaan ba? Ni hindi ko nagawang sumigaw. Ni hindi ko nagawang mag-isip.

Ngayon habang sinusulat ko at inaalala ang mga pangyayari, nanginginig muli ang mga tuhod ko. Nanlalambot ang mga mga binti ko. At paulit-ulit na kumukuntil sa aking balintataw ang pagkislap nang baril ng tamaan ito ng sinag ng araw. Parang sa sine. Pero this time, may thrill! May nginig! Dama ng bawat ugat ko ang takot.

Subalit ng tingnan ko ang batang kalong ng kanyang ina na nakaupo sa tapat ko, bigla akong napaisip. Ganito ba? Ganito ba ang dapat masaksihan ng isang paslit? Laking pasasalamat ko ng takpan ng kanyang ina ang mata ng bata ng mapansin neto ang magaganap, bago pa mandin nakalabit ang gatilyo. At kahit paano ay hindi na nya kailangan pang maalala ang takot. Ako nga sa edad kong ito ay sigurado kong ang pangayayaring ito ay kikintal sa aking isipan at habangbuhay kong dadalhin sa aking panaginip. Malungkot. Nakakatakot pero wla ako magawa.

Eto ang buhay sa lungsod. Ang buhay sa gitna ng mga matatayog na gusali at makukulay na ilaw. Eto ang maynila. Ang maynilang kilala ko.

This is the edited version. I need to edit this to make it more readable. :) It was written ages ago. So please bear with me.

0 comments:

Post a Comment

My Instagram