..Rants..Rants..Rants..

It has been ages since I last blogged. That type of blog where you just pour everything out. You just stare at that white page and you type. Sometimes even without thinking properly. Like a random act.

 

What do I have in my heart now?

 

I felt like crying since I left Angono this morning. I don’t know. I felt very heavy. As if I wanna cry and then laugh and then cry again.

 

What do I want?

 

I don’t know really. Sometimes you just don’t know what you want. Or maybe it’s because you know what you want wont happen. That what you want is not possible.

 

Why am I writing now?

 

To pour out every emotion that I have. To try and convince myself that I actually know what is inside my chest. That this little organ is not just a piece of meat. That right now, it feels heavy. It is scarred. Like it has always been.

 

Ewan ko. Minsan gusto kong umayaw. Sumuko. Pero bakit? Paano? Kung alam kong mahal nya ko? Pero pano kung parehong may takot? Pano kung parehong may mali? Paano kung parehong ayaw? Pero pareho ring gusto? San ka lulugar? Anong pipiliin mo?

 

Madalas mahirap pumili. Mahirap magdesisyon. Iiwan mo ba at hahayaan nalang? O ipagpapatuloy mo dahil dun ka masaya?

 

Bakit nga ba ako ganito? Bakit nga ba ngayon napakahirap kong magmahal? Napaka-hirap magtiwala? Napakahirap ding sumuko?

 

Madame na din akong napagdaanan. Madameng sakit, madaming luha na din ang nasayang ko. Ilang beses na ding nabigo. Pero eto ako at sumusubok. Hindi napapagod sumubok. Pero nahihirapan magtiwala. Nahihirapan maniwala.

 

Hindi ako ganito noon. Mataas ang paniniwala ko sa sarili ko. At dahil dun mabilis din akong magtiwala sa mga tao sa paligid ko. Walang masamang tinapay para sken. Noon, pag sinabi mong mahal mo ako, naniniwala ako at yun lang paniniwalaan ko.

 

Pero ngayon parang ang hirap. Parang madalas may duda. Madalas may tanong. Alam kong mali. Alam kong isa itong malaking katangahan. Alam kong sinasaktan ko hindi lamang ang sarili ko kundi pati mga tao sa paligid ko. Mga taong nagmamahal at nagtitiwala sa akin.

 

Siguro nga tama siya. Hindi pa nga siguro dapat. Hindi pa nga siguro pwede. Hindi pa nga siguro ngayon ang tamang panahon.

 

Mahal kita. Mahal na mahal kita. Hindi man ako marunong magpakita at hindi man ako sapat, pero mahal kita. Ginagawa ko ang lahat ng ito dahil mahal kita. Dahil sayo umiikot ang mundo ko. Dahil ikaw lang mahal ko.

0 comments:

Post a Comment

My Instagram