Mila Stories 1: Now On ReigningStill

Due to insistent public demand, I’ve decided to publish my Mila Stories on this blog. Tsaka napapagod nadin akong ulit-ulitin ang mga stories sa mga new friends or friend’s friends. And most of all, para naman pakinabangan ko ang mga kalokahan ni Mila.

And so, I would like to introduce Mila…

IMG_20121231_192247

She’s my crazy mother. And yes, I call her Mila coz that’s her name. Pero tinatawag ko din naman syang Mama pag mainit ang ulo nya o badtrip sya. Pero madalas okay na kami sa Mila. You’d probably know her more by reading all her funny antics. And well, I made it to The Morning Rush Book 2 because of her. At ang pinakamaraming entry ko sa Morning Rush na nakapasok sa top 10 eh nung ang topic eh “Funny Things Your Mom Would Say”. At lahat ng yun, true story!

Anyway, expect 3 Mila Stories per post. Parang Shake, Rattle and Roll lang para masaya. :) I hope you’d enjoy reading and please please, wag naman sana kayo mawalan ng respeto sa akin.

 

LUCKY COLOR

Mila: (habang pababa ng hagdan on New Year’s eve wearing that shirt on the picture above) Pasensya na kayo mga anak huh. Hindi ako prepared sa bagong taon.

Me: Hanep sa hindi prepared ah! Naka-polka dots ka nga o at colorful pa!

Mila: Syempre para sure ako sa lucky color of the year!

Me: *evil eye*

 

BADING BA SYA?

Officemate: Aubs, phone call.

Me: Hello?

Mila: Nene!

Me: Oh bakit Mila?

Mila: Sino yung sumagot?

Me: Si <insert officemate’s name here>.

Mila: Bading ba sya?

Me: Hahahaha.. Bakit?

Mila: Sabihin mo sa kanya wag syang plastik ah.

Me: Huh? Bakit naman?

Mila: Eh nung sumagot ng telepono ang laki ng boses eh. Parang lalaking lalaki.

Me to Officemate: Oi! Wag ka daw plastik sabi ni Mila.

Officemate: Hahahahaha..

Mila: O kita mo bading na bading tumawa.

Me: Tumigil ka na nga!!!

 

ANG TSINELAS

* Kinombulsyon yung pinsan ko so everybody’s on hysteria. It happened several years back at wala pang may sasakyan sa amin. Mila is the ultimate nerbyosa. Imagine her na nanginginig ang buong katawan at umiiyak na parang nasa telenovela.

Mila: Tumawag na kayo ng taxi! Huhuhu..

Tita: Eto na taxi bilis sakay na!

* Sinakay yung pinsan ko sa taxi tapos sumakay din si Mila at umandar na si taxi.

Tita: Hahahahaha! Hayop na Mila to oh!

Me: Huh? Bakit? Tumatawa pa kayo eh may kinombulsyon na nga saten.

Tita: Eh yang gagang nanay mo iniwan yung tsinelas sa labas ng taxi! Ayan oh! Nasa gitna ng kalsada. Hahahaha..

Me: Hahahahaha…(Sabay pulot sa tsinelas ng nanay ko)

* After a couple of hours, umuwi si Mila na nakapaa.

Me: Hahahahaha.. O kumusta na?

Mila: Hihihi.. Naiwan ko yung tsinelas ko. Nakapaa ako sa ospital. Kala ko kasi sa bahay ako pumasok eh. (with kamot ulo) Buti mukha akong loka loka medyo hindi halatang katangahan lang kaya wala akong tsinelas. Haha!

Me *evil eye*

0 comments:

Post a Comment

My Instagram