I know you all miss this. Sorry naman. Hindi ako nauubusan ng Mila Stories promise. Nauubusan ako ng time na mag-blog.
At sana naman bisitahin nyo padin ang blog ko kahit walang Mila Stories. Minsan nagtatampo na ko kasi parang ayaw nyo nung mga posing posing ko! :) Hahahahaha!
NICKI MINAJ
Me: (talking to Len over the phone) naku Len bigay mo na sa akin yan! Sakin yan bagay. Hindi yan bagay sayo.
Mila: (bilang chismosa sya at nakikinig sa usapan) Naku! Sa akin yan bagay.
Me: Hoy Mila! Di to sayo bagay dahil gold to at negra ka.
Mila: Excuse me. Alam kong bagay yun sa akin. Bakit si Nicki Minaj?? Kahit samahan mo pa yan ng orange bagay padin yan.
Me: Hahahahahaha.. Kilala mo si Nicki Minaj??? Hahahaha
JUSTIN BIEBER
*Pagdating sa bahay naabutan ko sila na nanonood ng Oprah with Justin Bieber as her guest*
Me: Naku pinapanood nyo yan si Justin Bieber eh ang sama nyang batang yan. Inaway kaya nyan si Pacman sa Instagram at Twitter.
Mila: (biglang pinatay ang tv) Wag na tayong manood nyan.
Lahat ng tao sa bahay na nanonood: Bakit mo pinatay??? Ano ba naman yan!!!
Mila: Aba! Hindi nyo ba narinig ate nyo? Inaway nya si Pacman. Dapat kampi tayo kay Pacman. Ang sama pala talaga ng ugali ng batang yan eh. Kaya pala iniwan ng syota nyang si Selena Gomez.
Me: Huwaaaaaaaw! Ikaw na updated sa lovelife ni Justin Bieber!! Hahahahaha…
1920’s
* I went home and told Mila of our company year end party’s theme.*
Me: Mila Roaring 20’s theme ng year end namin ngayon. Yung mga fashion ng 1920’s.
Mila: Ay hindi na Filipiniana?
Me: Syempre taon-taon nag-iiba. Ano yun? Ulit-ulit? Unli?
Mila: Dapat yun nalang ulet. Para tipid.
Papa: Pwede ka padin mag-Filipiniana, nung 1920’s mga Filipina ganun ang suot.
Mila: Oo nga naman!
Me: Ewan ko sa inyong mag-asawa! Sabi ng Roaring 20’s eh. Yung sinusuot sa Hollywood nung 1920’s!
Mila: Ay alam ko yun! Yung mga suot nina <insert names of famous actresses on the 20’s here>. Napapanood ko yun anak. Ang gaganda nun.
Me: Hindi ko sila kilala! Si Coco Chanel lang kilala ko ng 1920’s. Hindi naman 20’s si Audrey Hepburn.
Mila: Oo naman! 50’s na yun no. Sina ano nga yun <insert names of famous actresses on the 20’s here again>.
Me: HINDI KO NGA YUN KILALA! Makaakyat na nga!
*After a couple of minutes kumatok si Mila sa kwarto ko. Hindi naka-move on sa 1920’s.*
Mila: Alam ko na pwede mong isuot anak.
Me: Hindi ka pa din nakakamove on dyan? Hayaan mo na ngaaaaaaa..
Mila: Hindi alam ko na talaga. Alam mo yung mga diretso na dress na may mga laylay na parang kay Tina Turner? Ganon!
Me: Ah oo! Flapper dress tawag dun.
Mila: Oo! Ganun! Tapos magsuot ka ng sumbrero. Uso sumbrero noon. Yung mga maarteng sumbrero.
Me: Oo alam ko na din yun. Ayoko ng mga ganun.
Mila: Ay bakit ayaw mo? Basta wag kang mag susuot ng pulang dress at silver na sumbrero.
Me: (thinking how silly the combination is) Hahahahaha! Syempre! Kadiri ka! Red at Silver mukhang tanga naman yun.
Mila: Oo kasi magmumukha kang COKE IN CAN! Pandak na mataba. Hahahahaha
Me: Adik ka ah!
Mila: Wag din green anak, mukha kang sprite.
Ian: (nakisali sa pang aasar sa akin) Wag din black ate, mukha kang Coke Zero. Hahahaha!
Me: Magsilayas nga kayo sa kwarto ko! Mga bwiset!!!!!!!!!
Mila Stories
0 comments:
Post a Comment