Mila Stories 4: Honesty vs Motherhood

First and foremost, allow me to get this one thing done…

HAPPY BIRTHDAY MILA!!!! :) You are annoying as hell but I still love you so much. Thank you for being such a great mother, I wouldn’t be this great person that I am today (ehem! ehem!) if not for you. Kahit madalas kong iniisip lately kung anong na-contribute mo sa greatness ko. Kasi for sure, wala kang contribution sa confidence ko! >:) Anyway, thank you for raising me the way you did. Independent. Out-spoken. Thank you for trusting me. Thank you for being crazy – dahil sayo, walang dull moment sa buhay ko. I love you from here to the moon and back. Here’s to more craziness and a house full of laughter. Stay healthy. :) And I thank God for giving me the best mother in the world!! Don’t quote me on that please.

mila and me

I mentioned earlier na walang contribution si Mila sa confidence ko. The following stories are my proof of that claim. Promise! Minsan tinatanong ko na ang sarili ko kung honest lang ba ang nanay ko o sadyang malakas lang sya mang-asar. Feeling ko both. Yung iba madalas, nanay lang nila ang nagsasabing maganda/gwapo sila. Sa buhay ko, nanay ko ang laging kumukwestyon sa kagandahan ko. Kung hindi pa sya ang dahilan ng mukhang ito. Nakakaloka!

 

SUITORS

* It happened way back in high school. I was around 14 yrs old.*

Mila: Nene, may nanliligaw na sayo?

Me: (appalled) Wala po ah!

Mila: Sige na sabihin mo na sa akin kung may nanliligaw na sayo. Hindi ako magagalit, promise.

Me: Wala po talaga. Nagsasabi naman ako sayo ah. Wala pa po talaga sakin nanliligaw.

Mila: Bakit yung mga pinsan mo, ang daming manliligaw? May mga syota na nga sila eh. Baki sayo wala?

Me: Ewan ko sa kanila!

Mila: PANGIT KA ATA ANAK EH KAYA WALA KANG MANLILIGAW. Ikaw ba pinakapangit sa school mo? May mas pangit naman sayo diba? Tsaka matalino ka naman.

Me: Salamat ah! Makalait ka eh!

Mila: Hihihihihi.. Malas mo kasi sa tatay mo ikaw nagmana. Kung sa akin sana, maganda ka!

Me: SALAMAT TALAGA AH! Umalis ka na kaya kasi mag aaral pa ko.

 

MALABO ANG MATA

* This one happened way back in my elementary years. Super bata pa ko. Wala pang muwang sa mundo. Sinusubukan na ng nanay kong buwagin ang confidence ko. Pero feeling ko reverse psychology ang nangyari. Kasi kumapal ang mukha ko.*

* Every morning, hinahatid ako ni Mila sa kanto namin para antayin yung school service. And usually, mga ganoong oras nasa labas ang mga matatanda o mga newly born babies with moms para magpa-araw. Pampalakas daw yun ng baga.*

Lola1: Mila, ang ganda ganda talaga ng anak mong yan ano? Matalino pa.

Mila: Ay salamat po.

Lola2: Goodmorning Ne. ang ganda ganda mo naman sa uniform mo. Mila, ang ganda ng panganay mo.

Me: Goodmorning din po. Thank you po.

Mom with Baby: Ate Mila papasok na si Nene? Ang talino nyang anak mo no?

Mila: Oo! Nasa top to lagi. Syempre mana sa akin.

Mila: (bumulong sa akin) Anak bakit yung mga nagsasabing maganda ka yung mga malalabo lang ang mata?

Me: Ha? Bakit mo naman nasabi yun?

Mila: Tingnan mo ang nagsabing maganda ka yung mga matatanda, Yung malinaw pa ang mata, hindi ka sinabihan ng maganda, matalino lang. Hahahahaha.. Siguro pag malabo gumaganda ka anak.

Me: Para naman tanga to eh. Nakakainis!!

 

SAGING

Me: Mila anong ulam?

Mila: Ay wala na. Kinain na nila.

Me: Ano ba naman yan! Wala na naman pagkain. Pagod na pagod ka na nga galing trabaho tapos wala ka pang dadatnan na pagkain.

Mila: Hoy taba! Mag-saging ka nalang! Meron dyan nilagang saging. Ang taba taba mo na gusto mo pang kumain. Tsaka kahit magutom ka ngayon, hindi naman mahahalata no! Arte neto.

Me: Hahahahahaha! Alam mo kahit kelan ka talaga. Epal ka!

0 comments:

Post a Comment

My Instagram