Mila Stories 6: She's Now on FB!!!!

I created Mila’s FB account ages ago. Kasi naman, her former classmates and amigas would usually FB message me to make chicka about her. Then they’d add me as friend which I need to accept kasi nga close sila ni Mila. Kaso yun nga yun, SILA NI MILA ANG CLOSE HINDI KAMI! But after I created her FB account, hindi nya naman ginamit. I tried to teach her how to use the laptop pero waley! MISSION FAILED! Dami daw pinipindot.

And then just last month, my father gave her an android phone. Yung luma nya kasing Nokia, sira na. Hindi na sila magkaintindihan ni father earth pag nagtatawagan sila. At first she hated the new phone. She can’t txt. She can’t call. She can’t even answer the calls because you have to swipe it. And for some odd reasons, hindi sya marunong mag swipe!!! She’s still having issues with the messaging and calling part of her new phone until now pero love na love nya na ito. Guess why???

KASI MARUNONG NA SYANG MAG FACEBOOK!!!

Nakakaloka!!!

Earlier this month, she only knows how to open the FB app (her account pre-configured by yours truly) and scroll on the posts. Ako nagturo nun. Pampalipas oras. Seeing posts and pictures would make her laugh. Pwede na diba? No harm. Tingin tingin lang naman.

But when I was in Palawan, the unthinkable happened. NATUTO SYA MAG COMMENT AT MAG LIKE SA MGA POSTS!!!! And she’s on FB all the freakin’ time. Except maybe during her tong its sesh but really. She’s ALWAYS ALWAYS on FB!

I know you’d call me OA. Eh ano naman kung nasa FB maghapon si Mila diba? Di lang naman sya ang Nanay na addict na sa social networking site na yon. Pero kung nagbabasa kayo ng blog ko, at kung kilala nyo si Mila via Mila Stories, you’d know bakit naloloka kami magkakapatid sa kaganapang to. Here are some of the kahindik hindik na pangyayari sa FB life namin magkapatid….

EXHIBIT A:

During the Maring/Habagat flood, sissy posted on her timeline something like: “Hanggang tuhod na daw yung baha sa labas, eh di hanggang bewang ko na yun!”.

EXHIBIT B:Normal post of a pregnant woman diba? At eto ang comment ni Mila!

Pag uwi ko sa bahay kinagabihan…

Me: Mila bakit ka nanghihingi sken ng hopia sa FB? Alam mo ba ibig sabihin ng CRAVING?

Mila: Hindi! Eh basta nabasa ko Eng Bee Tin. Eh di nag-comment ako ng pengeng hopia! Eng Bee Tin diba hopia-an yun?

Hahahahahahaha!

EXHIBIT C:

At eto ang kalunos-lunos na comment ni Mila sa status ng kapatid ko…

Poor sissy! After that comment, hinahanap na nya ngayon ang nagturo sa nanay namin mag comment sa FB. Tuturuan daw nya ng leksyon ala-Filipino Action Movie. Nyahahahaha! @_@

EXHIBIT C:

Hindi lang naman kaming magkapatid ang biktima ni Mila. Pati mga apo nya. These are my cute pamangkins….

Oh diba??? Kawawang mga bata! At ni-like ng tatay ng mga bagets ang comment ni Mila! Nakakaloka!! Nyahahahaha.. The other one that left a comment is Mila’s gay brother. Ganyan ang normal na comment sa picture ng apo! Obviously, nag iisa lang talaga si MILA!!!!

Pero in fairness naman, minsan matino din mag comment/post si Mila. Like this one…

That’s her birthday greeting to her tong its buddy who now live in Laguna. Nyahahahahaha!!! Sweet naman pala si Mila! HINDI NGA LANG SA AMIN!!!!

Tingin nyo ba dapat ko na syang tanggalan ng WiFi? Bago pa kami masadlak ng husto sa kahihiyan ng utol ko. Hahahahahahaha!

 

xoxo,

Reigne

0 comments:

Post a Comment

My Instagram