Mila: Alam mo Nene, binangungot ako kagabi.
Me: Hala ka! Dapat kasi wag kang kumakain ng madami sa gabi at magdadasal ka. Ano bang napanaginipan mo kasi?
Mila: Ang bigat bigat daw ng katawan ko. Pagod na pagod ako sa kakatakbo. Pero hindi daw ako makalayo dun sa humahabol sa akin. Nakakatakot talaga.
Me: Naku bangungot nga yan!! O tapos? Sino ba humahabol sayo?
Mila: Eh ayun nga! Andun daw ako court, nung biglang nakita ko si ZUMA!! Hinabol ako ni Zuma pero hindi daw ako makatakbo kasi ang bigat bigat ng katawan ko!
Me: Bwahahahahahahahaha!! Hayup naman Mila oh! Bangungot nalang comedy ka padin?? Si Zuma talaga ang humahabol sayo?? Ano ka si GALEMA???!!
** Mila’s so excited for her first apo. She has been talking non-stop about the things we need to do in preparation for the coming of her apo. So one day…
Mila: Naku Nene! Kelangan ko na pala talaga mag ipon ng husto para sa paglabas ng apo ko.
Me: Huh? Bakit? Para saan?
Mila: Eh kasi baka magmana ang apo ko sa ilong ng tatay nya! Kelangan may pera ako para pampa-Belo. Papa-retoke ko agad. Kawawa naman apo ko. Tapos hindi din maganda ilong mo. Kawawa naman apo ko!!
Me: Alam mo epal ka!!
** We are on our way to SM Manila..
Mila: Hindi aabot ang Facebook ko sa SM no?
Me: Huh?
Mila: Nung nasa Robinson kasi kami ayaw nung Facebook ko.
Me: (finally realizing what she meant) aaaahhh!! Hahahaha!!! Syempre di aabot yung wi-fi natin sa malayo. Ano yun? Satellite lang?
Mila: Ang pangit naman ng wi-fi mo!
Noel: Kaya pala nagtataka ako anong tinitingnan mo sa cellphone mo nung nasa Robinson tayo. Pindot ka ng pindot eh wala ka naman load.
Mila: Eh kasi nga ayaw nung Facebook ko!!!!
Me: Eh kasi nga di naman aabot ang wi-fi natin dun!
Mila: Kahit sa palengke di pwede? Ang lapit lang nun!
Me: Bwahahahahaha! Ewan ko sayo!!
Mila: Ang pangit nga ng wi-fi mo.
** Pagdating namin sa SM, we went to a cellphone store. Then I noticed that Mila is checking out her cellphone.
Me: Anong ginagawa mo Ma? Hindi nga aabot ang wi-fi natin dito!
Mila: Eh ayan nakalagay pwede mag Facebook oh! (pointing to an FB image posted on the display cabinet) Bakit nila yan nilalagay dyan eh di naman pala pwede mag Facebook dito?
Me: *speechless na dahil hindi ko na alam pano ko ipapaliwanag ang mga bagay-bagay sa Nanay ko*
Noel: Tumahimik ka na nga dyan. Basta hindi pwedeng mag Facebook pag nasa labas ng bahay.
Mila: Pero si Nene pwede?
Me: Bwahahahahahaha!
** Oh diba? Ang adik sa Facebook!
0 comments:
Post a Comment