Mila Stories 15: The Launch of Mila & Friends

Alright, people have been bugging to post Mila Stories often. I get it! I get it! You miss my mother and her crazy antics but let me just remind you all that she’s also a mother and now, a Lola. She’s busy, you know.

And I realized that I also happen to have a funny family. Mas ibang level lang si Mila talaga but my family is also funny. And since I don’t want to have another segment for funny kwentos, dito nalang sa Mila Stories ah. And let’s just make it – Mila & Friends. Ganun din yun. Pampasaya din. Hihihi!

At dahil mukhang na-miss nyo ko, eto na! Pampasaya.

Mila &friends

 

ANONG CONNECT?!

Skye’s teething. The teeth haven’t erupted yet until now. Ganun daw talaga. Matagal daw talaga magka-teeth si Skye according to her pedia. But the thing is, she’s very uncomfy lately. Alam mo yun? Iritang irita sya sa teeth nya na ang tagal lumabas. So may suggestion si Mila…

Mila: Ayaw mo kasi ng mga sinaunang gamot sa pag iipin eh. Margarine nga makaktulong yun. Kaunting margarine lang naman ilalagay.
Me: Sus! Ano bang meron sa margarine para makatulong sa pag-iipin??
Mila: Ah eh.. Ah eh… Pampatangkad! Hihihi.. (sabay exit)

Cute no?!

 

SINGING BEE!

While watching the Rexona Ad, biglang bumirit si ReigningTatay…

Tatay: I'm all improved..nothing to lose (singing to the tune of Titanium)
Me: Nyahahahahaha! I'm bulletproof yun adik!!!
Tatay: Anong connect ng bulletproof sa Rexona? Mas okay ang “I'm all improved”.
Me: Tangeks. Bulletproof nga. Kita mo walang putok. Nyahahaha!



FRIENDLY CONVERSATION!

Skye was hospitalized last week. We can’t withdraw cash that day so we have no choice but to use my credit card. At dahil credit card sya, I need to buy sa Savemore which is kinda malayo from Manila Doctors and I need to go there bilang akin ang credit card. At dahil sigurista ako, I put EVERYTHING we need on my grocery list and bought them all. Including a 6L water, 2L softdrinks for the ReigningTatay, fresh milk for me. Eh ako lang mag isa bilang nagbabantay si Tatay kay Skye.

Me: Naku! Pano ko to ngayon dadalhin lahat? Syemay!
Kuya: (nagmamadali pa) Ay sige ma’am, ihahatid ko nalang po kayo.
Me: Eh okay lang ba yun sa MaDocs pa ako?
Kuya: Opo Ma’am! Nakakaabot nga kami ng NBI, ng PGH. Okay lang po yan.
Me: Wow! Salamat ah.
Kuya: (trying to make a friendly conversation) Ma’am buntis po kayo?
Me: Hindi kuya ah! Pero kakapanganak ko palang kasi. (Sinadya kong wag sabihin na 10months na anak ko. Hihi!)
Kuya: Ah! So naka-paha po kayo? (Yung tummy binder na nilalagay sa bagong panganak)
Me: Hindi kuya okay? Tyan ko yan. Wag mo na kaya akong kausapin? Palala ng palala eh.
Kuya: Sorry po ma’am.
Me: Hehe! Okay lang. Atleast honest ka.


0 comments:

Post a Comment

My Instagram