I love Carlo Aquino, so it's a no-brainer that I had to watch this film. This is his first "mainstream" title role after so many years and I'm so so so happy for him. Kaso nakakainis kasi ngayon ang dami dami ng may crush sa kanya sa FB. Samantalang dati, lahat sila Carlo who?
FYI! Ako, ako, ako ang matagal ng nagmamahal sa kanya and I stayed loyal. Kahit na pinapakitaan ako ng abs ni Paulo Avelino sabay half smile. Waley! Mas mahal ko pa din si Carlo. Kahit na mamatay matay ako sa kilig kay Chuck Bass ng Gossip Girl? Wala! Carlo pa din. So Carlo, ano ba?? Miss na kita. Cheret!
Anyway, sa movie review na tayo mga besh kasi nakakahiya na ko...
1. Tangina. Ang sakit ng pelikula na to. This is my tweet after watching the film and I swear di kinaya ng extended number of character ni Twitter ang damdamin ko. Ang dami ko gusto itanong. Ang dami ko gusto isigaw. Pero for some weird reason, kahit masakit yung movie, I know deep in my heart that it's how it's supposed to be. Yun talaga sya.
Tanginaaaaa!! @carloaquino11 sinaktan nyo kami!! Walang gusto lumabas ng sinehan! Bakit ganun?? Bigyan nyo kami ng closure!!! Manonood ako bukas ulit. Baka bukas mau closure na. #MeetMeInStGallen
2. Of course, Carlo Aquino is Carlo Aquino. Fetus palang sya, we all know that he is one of the best actors in the industry. Di lang nabibigyan ng chance talaga sa di ko malamang dahilan. And seeing him on the big screen, all grown up (pasensya na kayo, bata palang nga kasi sya mahal ko na sya) is surreal. I wanna touch him. I wanna touch his face and hold him. Mata palang kasi nya umaarte na. Parang nung nasaktan sya, I wanna run inside the screen and hug him. Ganun sya eh. The giggly girls (oo giggly girls talaga tawag ko sa kanila kasi wala silang ginawa the entire time na nanonood kami kundi mag giggle. Ampotah! Take note ka-age ko sila ah!) are so mesmerized with his handsomeness. Gusto ko mag-smirk, magtaas ng kilay sabay hair flip. Sabi sa inyo gwapo sya eh! Hahaha! Alisin nyo na si JL sa eksena, sa kanya talaga dapat ang kornona eh.
3. Even before watching the film, nag sorry na ko kay Bella Padilla. Sabi ko kasi, since andito si Carlo known issue na yung hindi ko sya mapansin at all. Coz I know my focus is on Carlo and Carlo alone. Pero eps ka Bella!!!! Di ka din nagpakabog eh. Inaano mo ko eh. Hindi mo hinayaan yung pagmamahal ko kay Carlo na deadmahin ka. Ang galing mo baksh! Hayup! Yung scene where she cried on the bathroom is just intense. Yung nginungudngod mo yung face mo sa towel para di ka marinig sa labas is just so fucking real!!! See? I was just typing it now and I'm starting to tear up. And that morning after sex scene? Huhuhuhu.. Grabe eh! Ang galing nyo lang ni Carlo dun.
4. It's one of the most relatable film I've ever seen. Syempre alisin mo yung St. Gallen epek and all that sheez but overall, super relatable and realistic. Yung mga reactions nina Jesse at Celeste? Yung mga kagaguhan nila. Grabe! I'm not saying that what they did is correct or that dapat ganun din ginagawa ng mga tao ah, more like eh totoo naman na as human beings na nagmamahal may mga ginagawa tayo na mapapaisip ka talaga at sasabihin mo.."bullshit na buhay to! Ang bobo ko." Or tatanungin mo nalang si destiny kung inaano mo ba sya at bakit parang ang laki ng galit nya sayo?
5. Parang lahat tayo may TOTGA (the one that got away) but in this film mare-realize mo bakit TOTGA sya. Sabi ni Jesse, for once daw gawin syang tao ni Celeste at hindi lang yung ideal man nya. Sabi ni Celeste siguro nga kaya di sila pwede ni Jesse kasi nga Jesse is her ideal man and di yun pwede masira. Kaya din siguro minsan akala mo may mga feelings na hindi nawawala. But if you look deeply, you just actually love the idea of that person and the person itself because you don't know him that much. Minsan okay na tayo na kinikilig ka sa kanya from a distance tapos mag smile ka kasi ang gwapo nya pero yun na yun. (hello TNP! cheret!)
6. The songs in the film are just perfection. It's so great to hear Carlo singing. And his version of You Are My Sunshine is just heart wrenching. At ngayon ko lang nalaman na sad song pala yun. That's the #FabSkye's new favorite song. She would sing it to me and she would call me her sunshine Nakakatuwa. Basta yung chorus lang ah. Wag na yung buong song kasi sad pala sya talaga. Moira's voice is just grabe no? Loko to si Moira eh. Saktan ko to eh. hahaha!
7. All the shots are masterfully done. As in every detail in the film is nice. The wardrobe of Bella and Carlo is on point. The hair. St. Gallen is just perfect. They even made huge paintings ah. Di sya tinipid. Ang galing galing.
8. Nasabi ko na bang masakit sya? Oo masakit sya. Ang sakit sakit nya. Pero ang saya saya nya. Worth it ang pelikula na to.
I'm so happy for Carlo. Sana tuloy tuloy na. Gawa ka pa ng mga ganitong movie. Yung mga movie na pakikiligin kami tapos sasaktan kami tutal dyan ka naman magaling, ang saktan ako ng paulit ulit. Charot!
P.S.: I love you Carlo. At sinabi ko nga pala sa anak ko na ikaw ang Papa nya. So now, she calls you Papa. Pag may little girl na super cute at super bibo at pango na tumawag sayo ng Papa, anak ko yun. Wag kang mag alala may Tatay sya, kamukha nya kaya wag kang kabahan. Bwahahaha...
P.P.S.: Bakit ganito? Pag related kay Carlo yung post ko, laging mukhang gago. Pag ibig talaga nakakabaliw eh. O nakakabangag. Bahala na kayo.
Movies
Reviews
0 comments:
Post a Comment