Grabe! I really, really love this film. Watched it with the #FabSkye over the weekend and super worth it sya.
So without further ado, here are my thoughts about the Philippine adaptation of the Korean hit, Miss Granny:
- Grabe sa galing si Sarah!!!! Literal na sinapian sya ni Nova Villa dito. Ganung level ang galing nya. Tawang tawa ako dun sa scene na nagulat sya sa pag ring ng phone nya tapos napa "
ay puki! " sya! Kaloka! Asan si Sarah? Nawala sya talaga. Nasaniban ni Nova Villa. Hahahahah! Sorry, because all the past movies of Sarah are very Sarah G. Diba? Family oriented girl. A good daughter. Mahinhin. Dalagang pilipina. Syang sya. But here, nakakaloka!!! She was able to pull off her "mother scenes". Yung damang dama mo sa kanya yung pagmamahal ng isang ina, ng isang lola. Her scene with Ramoncito (Nonie Buencamino) is just so painful. Grabe iyak namin mag ina dun eh. Oo! Pati ang #FabSkye naiyak dun sa scene. Kala mo naman nakaka-relate sya kung maka iyak. And to think ah, Sarah was able to act with the likes of Boboy Garovillo and Nonie Buencamino. Iba din si Sarah. This is really the movie where she shines the most! Wala akong masabi. - I haven't watched the Korean version of this film but I love how this movie is really very Filipino. Dama mo sa movie yung feels nya. How each and everyone of us truly value our families but sometimes, we fail to show it. Sometimes yung mga akala mong annoying traits ng Lola mo or Nanay mo are exactly the reason why you love them. I like that scene where naalala ni Angie yung mga pagna-nag ng MIL nya sa kanya and realized that it's just really because she loved her. Gusto ko yung mararamdaman mo sa movie yung struggle ni Ramoncito. Yung issues ng mga apo. Maganda sya talaga.
- Super funny sya at all the right places. Yung mga comedy na hindi pilit. Nakakatawa sya talaga. I read a review that says dragging sya but for me, hindi eh. Tama lang ang timpla ng comedy nya. At kering keri ni Sarah ang comedy.
- Walang ibang bagay as Miss Granny kundi si Nova Villa. Syang sya si Fely! Kaya nakakatuwa that Sarah was able to portray her as her. Alam mo yun? Sabi sa inyo parang sinapian si Sarah ni Nova Villa sa pelikulang ito eh. Sya lang kasi yung funny. Yung kaya yung daldakina. Yung mga dance moves nya. Yung quirks nya. Basta! Syang sya eh. Perfect!
- Sa Korean version daw is love team yung character ni Xian at si Odrey. But like ko yung mas love team pa si Odrey at Bert. Hahahahaha! Nakakatuwa yung mga scenes ni Bert at Odrey eh. Kahit yung kay Bert at Fely. Ang saya! hahahahaha!
- Decoration lang si Xian Lim dito. Hehehehe! I don't know why ang dami nyang scenes na ni-cut. But well, overall feel ng movie is still very good. Gusto ko sya.
- Worth every penny. And really a must watch film!
2 comments
Sarah deserves a best actress award for this movie! Galing-galing, grabe! I watched it with my mom and my brother who are both big Sarah fans. Tawa at iyak ginawa namin, namoved at nag-enjoy talaga kami. :P
ReplyDeleteOo diba? Nasaniban talaga ni Nova Villa sis eh. Hinanap ko nga si Sarah. Nawala talaga. This is her best movie!
Delete