Review: Exes Baggage (2018)


Watched this on it's first day of screening and na-shock ako sa dami ng tao sa sinehan! Even my friends na #TiasOfManila na never mo mapapalabas ng bahay pag week nights eh sumugod sa sinehan just to watch. Iba ang spark ng #CarGel.

And now I know why they decided to accept this film sa dami ng na-pitch sa kanila. And I'll list down my personal review (na aminin na natin na medyo bias kasi patay na patay ako kay Carlo pero I swear sa part lang ng kagwapuhan ni Carlo ako bias, sa ibang aspeto ng pelikula all honest review ang makukuha nyo pramis!).

  • The story is simple but very relatable. It's a slice of life. Tipong pag napanood mo, masasabi mong nangyari na sya sayo o sa tropa mo. Makaka-relate ka talaga. Either kay Pia na may sandamakmak na insecurities sa buhay o kay Nix na may cloud of doubt sa nararamdaman.
  • Yung batuhan ng linya na hindi pampelikula ang pinaka nagustuhan ko. You won't get quotable quotes. You won't hear deep lines na parang tula pero maririnig mo yung sarili mo sa kanila. Grabe yung batuhan ng linya na mapapahagalpak ka sa tawa kasi ganun kayo mag usap ng tropa eh. Tapos mapapahinto ka kasi syet, maiisip mo na ganun din ang sasabihin mo pag ikaw ang nasa sitwasyon na yun.
  • No actor could play the role of Pia and Nix except #CarGel. The movie shines in it's simplicity. Yung mga silent moments talaga yung pinaka tumagos sa puso. And only brilliant actors could do that. These guys don't need validation kasi alam na ng lahat how great of an actors they are and in this movie, sila talaga yung kailangan eh. Yung mga mata ni Carlo na sapat na sa pag arte yung nagdadala sa mga moments. Yung mga ngiti ni Angel na tagos sa puso. Yung mga facial expressions that says a whole lot at sila lang ang makakagawa. Kaya for me, this film has so much more feels talaga.
  • The music!!! T*ngina yung mga kanta talaga eh. Told you that the silent moments are the ones that shines the most kasi pinapasukan ng matinding musical scoring. Imagine nyo - mga artistang mata palang umaarte na, walang usap usap, tapos pamatay na kanta ni Ebe Dancel na Dapit Hapon. Ay potek! Tulo uhog ko. Parang gusto kong sumigaw sa sinehan. Para lang mabasag yung katahimikan nung dalawa. Gusto kong sabihin na magsigawan nalang kayo please kasi takte soooobrang sakit na netong scene na to. Ganun sya.
  • The kilig moments are on-point. Isang haplos. Isang sigaw ng "jowa". Isang kiliti. Isang ngiti. Isang tingin. Yun lang sapat na para kiligin ka ng husto eh. Papasukan pa ng mga one liner na banat ni Angge at sasagutin ni Carlo ng ngiti sabay yung signature tingin nya na makalaglag panty. Wala na, hinimatay na kami ng sabay sabay dun sa sinehan.
  • Totoong ang sarap ni Carlo sa pelikula na to. Yung mga shirtless scenes nya, makalaglag panty talaga. As in tuwing aalisin nya yung shirt nya parang nagwo-walk out yung panty ko. Hahahaha! Panoorin nyo as in! Basta siguraduhin nyong mahigpit ang garter ng mga panty at briefs nyo.
  • Pinatawa nya ko. Pinakilig. Na inlove ako. Sinaktan. Tapos iniwan. Ganun. Parang ex mo talaga. Hayup eh! After the movie matutulala ka talaga tapos mapapaisip ka kung ayun na ba yun? Babalikan mo lahat ng nangyari. Tatanungin mo lahat ng ginawa ni Pia at Nix. Minsan kakampi ka kay Nix, minsan kay Pia, minsan naman gusto mo sila kotongan pareho. Tapos iisipin mo ulit ano ba yung nangyari. Nakakaloka!

Sobrang ganda ng pelikula talaga. If I could rate this, as in ka-level sya ng Meet Me in St. Gallen pero ibang atake kasi or Kita Kita or That Thing Called Tadhana. Gets nyo? Ganun sya eh. Tipong angat. Tipong di mo malilimutan.

So ano pang hinihintay natin mga baksh? Nood na!

0 comments:

Post a Comment

My Instagram