Na-miss nyo?? Sorry! To my readers who’ve been bugging me to post my next Mila Stories then here it is. Ang demanding lang! Hayaan nyo naman muna akong maka-getover sa last Mila Stories post dahil dangal ko ang itinaya ko dun.
And besides, I’m posting this today as my way of saying…
HAPPY MOTHER’S DAY!! To Mila. To Nanay. To Mama Iba. To all the mothers out there. We as children should always love and respect our mothers. Not all mothers are perfect. Mine is not. But the love of Mila to me is unconditional. I know that. I feel it to my bones. The kind of love that I know I’d never get from anyone else. I was loved beyond words. And I am who I am today because I was raised this way by my mother. And I would always be proud of that.
I LOVE YOU MILA! From the moon and back. Even if you annoy me to death. Kahit mas madalas mo akong laitin kesa purihin. Kahit ginagawa mong isang malaking comedy bar ang bahay natin. I LOVE YOU pa rin!
SUKLI
* Mila and my aunt went to Paco market for their usual palengke time. They we’re already on their way home when a pulubi approached them. *
Pulubi: Palimos po.
Aunt: Naku pasensya ka na. Nakapamalengke na ko.
Pulubi: (this time approached Mila) Palimos po.
Mila: Naku! Eh limang piso na lang pera ko boy. May dos ka ba dyan?
Pulubi: Huh? Bakit po?
Mila: Eh ibibigay ko sayo tong limang piso tapos bigyan mo ko ng dos para may pangyosi naman ako.
Pulubi: (left my mom with matching kamot ulo)
Aunt: Hahahahahaha! Ang galing mo talaga Ate Mila. Humingi ka talaga ng sukli sa pulubi? Hahahahaha..
Mila: Eh pangyosi ko nga yung limang piso eh. Buti nga bibigyan ko pa sya ng tres. Ayaw nya bahala sya.
Aunt: Hahahahahahahahahaha… Pinag-math mo pa yung bata?????
MOTHER’S DAY
* We would usually greet Mila at exactly 12MN every time there’s a special occasion like birthday, mother’s day or Christmas. But last year, my sister and I was not able to txt her at exactly 12MN. So at 6AM Mila went banging on my room door. *
Mila: Nene! Nene!
Me: Bakit Ma? Ang aga aga pa ah!!!
Mila: Wala lang gising ka na?
Me: Hindi pa!!! Matutulog pa ko!!
* After a couple of minutes. *
Mila: Nene! Nene! (while banging my door even louder)
Me: Ano ba?? Bakit ba?? Ang aga aga pa oh!!
Mila: Mother’s Day ngayon!!! Hindi nyo ba ko babatiin???
Me: Babatiin kita pero pwede bang mamaya na?? Inaantok pa ko Ma! (asar na asar na ko by that time)
Mila: Diba dapat kaninang 12 nyo pa ko binati? :’(
Me: (medyo natatawa na naiinis na naawa na ko sa nanay ko so I opened the door) Ma, hindi naman requirement na 12 binabati ng mga anak ang nanay nila pag mother’s day. Oh Happy Mother’s Day na. I love you! (sabay hug)
Mila: (smiling na sya by this time) Salamat anak kong maganda. Penge naman akong pang-Jollibee. Mother’s day ngayon dapat Jollibee ang almusal ko.
Me: Mila! Bata ka ba???? Ginising mo ko para dun????
Mila: Basta gusto ko yun! Bakit ba? I’m the mother!
CHISMOSA
* It happened way back in College. Mila’s making chismis with a neighbor. *
Me: Mila!
Mila: Yes Nene?
Me: Baon ko? Papasok na po ko. Hahatid na ko ni Papa.
Mila: Eto. Babay. Ingat ka. I love you anak.
Me: I love you too. Babay.
* And so I left. *
Neighbor: Pumapayag kang Mila lang ang tawag sayo ng anak mo?
Mila: Oo naman! Eh Mila pangalan ko. Masama kung tawagin nya kong Ana. Biruin mo yun, sarili kong anak di ako kilala?
Neighbor: Ano ka ba? Syempre dapat Mama o kaya Nanay. Sa akin hindi pwede yang mga ganyan. Dapat nirerespeto ako ng anak ko.
Mila: Bakit? Di naman ako binabastos ni Nene ah. Tsaka pwede ba? Wag ka ngang plastik dyan. Eh di ba nga isang buwan ka ng hindi pinapansin ng anak mong lalaki? Buti yang anak ko uma-aylabyu pa sa akin. Inggit ka lang kasi pinapansin ako ng anak ko?
Neighbor: Grabe ka naman.
Mila: Eh plastik ka eh!