I miss having you. I miss being me.
I haven’t had a “personal blog” for the longest time. This blog started as my outlet. Where I simply pour my heart out and complain and rant and shout and cry. And then I changed. I matured. I wanted something fun and I wanted to share the best of my life. And then I forgot that I am human.
For the past year, I’ve had a roller coaster of emotions. Buong buhay ko alam ko kung ano ang gusto ko. Kung ano ang makakapagpasaya sa akin. Madalas hindi nila maintindihan. Madalas, weird! Madalas, akala ng iba MALI. Pero wala akong pakielam. Kasi ako naman to eh. Ako to! At ang kaligayahan ko ay hindi nakabase sa iisipin ng iba. My friends are very vocal in letting me know how jealous they are of me. Of the way I view things. Dahil matapang kong hinaharap ang lahat. Nang walang takot at walang pakielam sa panghuhusga.
Masaya ako. Hindi perpekto ang buhay ko pero masaya ako. Ginagawa ko ang gusto ko at masaya ako. Nabubuhay ako sa ngayon ng hindi natatakot sa kinabukasan at hindi iniisip ang nakaraan. Ngayon lang ang mahalaga. Dahil ngayon lang ang hawak ko.
But for the past year, I have done things and things that hurt me and the people around me. Simply because I came to the point where I don’t know what could really make me happy. I wanted to be happy. I honestly do. Who wouldn’t want that right? But there are times when I am not because the person whose supposed to make me happy is driving me crazy.
Noon, pag mahal ko, ginagawa ko ang lahat. Binibigay ko ang lahat. Pero kapag hindi na ko masaya, kapag sumobra na, kapag sobra ng sakit, iniiwan ko na. I let go easily because I know I did everything. And that is enough. If it still won’t work, then I can no longer do anything about it.
And then again I matured. I changed. Now I still give my all but love myself at the same time. Hindi ko sinasabing mali. Hindi din ako magmamalinis at sasabihing wala akong ginagawang mali. Sa totoo, masama ako. Pero mahirap magmahal ng taong ayaw patalo. Dahil hindi din naman ako nagpapatalo.
Kagaguhan! Pero ang kagaguhang yon ang kailangan ko. Sa kagustuhan kong malaman ang gusto ko madami akong nagawang mali. Dahil ayaw kong magpakita ng kahinaan, nahihirapan akong mabuhay. Hindi ako to! Pag masakit, sumisigaw ako ng “aray!”. Pag masarap, sinasabi ko. Pag masaya ako, tumatawa ako. At kapag mahal ko, ipinagsisigawan ko. Pero hindi ko yun magawa ngayon.
Masakit na pero ngumingiti pa ko. Masaya ako pero hindi ko maipakita. Gustong gusto ko pa pero hindi ko masabi. At mahal na mahal ko pero hindi ako mapaniwalaan dahil hindi ko mapakita ng tama!
Parang nagka-clash! Parang may hindi tama. Madalas nakakapagod pero kung iisipin mo, dun ka masaya eh! Pero gusto mo din sumaya sa iba. Pero iba pa din pag andun sya. Iba pa din pag sya. Pag wala sya nakakamiss. Pag andyan, nakakainis na masaya na nakakabwiset. Gusto mong gawin ang gusto mo pero gusto mong umuwi sa kanya.
Magulo! I’ll take this opportunity to think. To ask for the impossible. To wish that both of us would be enlightened. That somehow, we’d eventually meet halfway, where both are happy.
We are too much different and we so much alike. We love each other too much and we love ourselves too much as well. Our views are very different and we are both complicated. But I am wishing deep in my heart, when all this has passed, we would eventually be happy again. Together. Forever. Till we grow old and gray.
I still want to spend the rest of my life with you.